Pages - Menu

Wednesday, 16 January 2013

0 Showbiznest: Nora Aunor Talks About "Never Say Goodbye," Family, Political Plans and Upcoming Concert and Movie Plans

Showbiznest
Ang PUGAD ng Showbiz Chika sa Likod at Harap ng Camera
thumbnail Nora Aunor Talks About "Never Say Goodbye," Family, Political Plans and Upcoming Concert and Movie Plans
Jan 17th 2013, 02:54

Nora Aunor Talks About "Never Say Goodbye," Family, Politics and Upcoming Concert and Movie Plans


The one and only Superstar Nora Aunor takes on the challenging role of a rose farmer in Benguet named Marta, a mother whose heart is full of hatred because of her dark past in TV5's upcoming biggest primetime series "Never Say Goodbye".

During the press set visit on Sunday, January 13 at The Manor Hotel, Camp John Hay in Baguio City, Nora welcomed the members of the press and gladly give in to a no holds-bar interview where she talked about her experience working with a bunch of talented Kapatid stars, her family, politics, movie plans and her much-awaited comeback in the concert scene.

Acting challenge.

Alam mo, bilang artista kasi, habang gumagawa ka…kagaya ng ganitong teleserye di ba kailangan pag-aralan mo pa rin yung atake doon sa mga nagawa mo nung nakaraan. Kailangan mabago mo dito sa bagong ginagawa mo. At least, kapag napanood ng tao, may pagbabago, di ba?."

Working with the biggest and well-respected actors like Cesar Montano, Gardo Versoza, and Direk Mac Alejandre.

Naidirek na ako ni Direk Mac before sa telesines, matagal na. Ngayon, definitely, mas gumaling siya. Maganda ang bawat eksena at mabilis pa magtrabaho.

Si Cesar nakatrabaho ko na din sya sa TV before, matagal na. Kung di ako nagkakamali sa "Nora" series yun. Si Pareng Gardo din nakatrabaho ko na. Hindi na naman kukuwestiyunin ang husay nila. Sa ngayon, si Gardo pa lang ang madalas kong naeksena. Hindi pa kami nagtatagpo ni Cesar. Pero nagkakasama kami sa set at mabait siya. Masaya kaming lahat sa taping at para kaming family."

How about Vin Abrenica who played his son in the series?

Mahusay. Nakakatuwa. Kahit nakatalikod siya o nakaharap talagang magaling 'yan. Mana sa nanay!

"Ako ang nailang sa kanya… siyempre 'no kahit papaano may mga ibang techniques sila sa pag-arte. May mga matutunan ka sa kanila pa rin. At may matutunan din sila sa akin kaya nagkakaroon ng tulungan."

On her planned major concert this year.

Talagang sisiguraduhin kong matutuloy na yun..kakaririn ko na yun this year. Kahit na 'di umabot ng birthday [ko]. Kaya nga halos araw-araw ang advanced taping ko rito dahil aalis ako bago matapos ang buwan para sa green card ko sa U.S. at para na din matuloy na yung operation ko sa New York para bumalik na ang boses ko.

"Yung mga doktor na gumamot kay Julie Andrews ang tumitingin sa'kin at sabi niya, malaki ang chance na mabalik ang dating boses ko. So pagkatapos ng operation sa New York, dederecho ako sa Boston para naman sa therapy hanggang bumalik na talaga yung boses ko. Nahihirapan na din kse akong magsalita ng matagal.

"Alam ninyo ba, maniwala kayo kapag nakakakita ako ng kumakanta sa TV, kapag ako lang talagang mag-isa, hindi ko namamalayan, umiiyak ako. Kasi, ganoon ko kamahal ang pagkanta. Diyan ako nag-umpisa, diyan ako nagka-asawa, diyan ako nagka-anak. Iyan ang ipinambuhay ko sa pamilya ko."

Going indie.

Oo, gustong gusto ko. Para maipakita ko lang bilang artista.

"Yung mga ganoong klase ng pelikula, matuturuan mo ang mga manonood na talagang tanggapin din ang mga pelikulang may art."

Family ties.

Nagkita-kita kami noong Pasko. 

"Yung bonding namin, nandoon pa rin kahit hindi kami masyadong nagkikita-kita. Pero at least, kapag nagkita kami, magulo pa rin."

Renewal of political plans.

Ayoko ng pag-usapan ang pulitika, masaya na ako.

"Ang pagtulong naman sa kapwa mo hindi naman kinakailangan na maging Gobernadora, Presidente o Congressman. Kung taos sa puso mo na gusto mong makatulong sa kapwa mo magagawa mo 'yan."


Aside from Nora, "Never Say Goodbye" also stars Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza, Edgar Allan Guzman, and Artista Academy Best Actor Vin Abrenica and Best Actress Sophie Albert.

Directed by Mac Alejandre, "Never Say Goodbye" premieres January 28 on TV5 primetime slot.


You are receiving this email because you subscribed to this feed at blogtrottr.com.

If you no longer wish to receive these emails, you can unsubscribe from this feed, or manage all your subscriptions

0 comments:

Post a Comment

 

Chika Nina | Nakikichika sa iba... Copyright © 2011 - |- Template created by O Pregador - |- Powered by Blogger Templates