Bagong taon at ang mga paboritong artista ay willing na i-entertain ang buong Pilipinas. Witness a more amplified set of performances ngayong Linggo sa Party Pilipinas: Stronger!
Ang mga ladies ng GMA Afternoon Prime ay magpapakita ng kanilang bolder side sa dance floor sa "Hot-taw!" Abangan sina Andrea Torres, Bela Padilla, at Lovi Poe kasama rin sina Bianca King, Michelle Madrigal, Sam Pinto, Rochelle Pangiinan, Winwyn Marquez, Aira, at Vaness Del Moral.
Isang malaking pasabog din ang kailangang abangan ng mga viewers ngayong taon, so get ready as the biggest Kapuso stars give everyone a taste of the highly-anticipated epicserye sa GMA Telebabad ngayong January, ang Indio.
Ang basketball heartthrob na si Chris Tiu kasama si Heart Evangelista ay magbibigay ng right fusion of dance and songs in Dance Duets. Sina Rachelle Ann Go at Sef Cadayona ay magpapakita rin ng isang combination of song and dance na sila mismo ang nag-conceptualize at nag-choreograph. Para sa mga Julielmo fans, heed your idols' call this 2013 as Julie Anne San Jose and Elmo Magalona blaze up the stage together.
Fresh sa kanyang successful Silver Rewind concert, the songbird Regine Velasquez-Alcasid will give the Party Pilipinas audience a vocal exhibition like no other. La Diva will also be on the vocal forefront as they fortify their strength in vocal harmonies with a one-of-a-kind performance after your favorite singers bring a rock edge to Love, Party Pilipinas.
Sing-off time rin sa Beat the Birit kasama sina Jaya, Zendee Rose, Rachelle Ann Go, Kyla, Jonalyn, Mark Bautista, Gian Magdangal, at Kris Lawrence.
Ngayong bagong taon, dance your worries away dahil si Ate Gay ay magdadala ng isang ultimate comic relief twist kasama ang iba pang dance artists sa Sayaw Pilipinas.
Ang mga tween stars na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kristoffer Martin, at Joyce Ching ay magsasama-sama para sa isang dance off with Down to Mars at ang youth sensation na Chicsers together with P4.
Start the New Year with a fresher and stronger vibe sa nag-iisang party central ng bansa, ang Party Pilipinas ngayong Linggo (January 6) sa GMA-7.
0 comments:
Post a Comment