Party Pilipinas, on Sunday, released a public apology before the show started on Sunday in relation to the sexually-charged scenes in Lovi Poe and Rocco Nacino's dance number on the show's January 27 episode.(read related article
HERE).
Noong January 29, 2013, tinawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pansin ng GMA Network (GMA) patungkol sa mga reklamong natanggap na may kinalaman sa "Opening Number" ng programang "Party Pilipinas" na lumabas noong Enero 27, 2013.
Sinabi ng MTRCB na ang "Opening Number" ay hindi angkop sa mga batang may murang edad dahil sa mga eksenang may suhestyon at mga galaw na sekswal. Dahil dito ay gumawa ang GMA7 ng imbestigasyon upang matukoy kung ano ang pagkakamali at ang mga taong may kinalaman sa pagkakamali at kung paano hindi na mauulit ang ganitong pangyayari.
Habang umuusad ang imbestigasyon ng GMA7, nais naming humingi ng pag-unawa sa mga manonood na maaaring nabahala at hindi nagustuhan ang mga nasabing eksenang naipalabas sa "Party Pilipinas". Inaako namin ang responsibilidad sa nangyari. Sisikapin ng GMA7 na lubos na magampanan ang aming tungkulin, na bigyan ang lahat ng manonood ng mga programa na makabuluhan at angkop sa edad ng mga manonood.
Sa mga susunod na mga araw, ang GMA ay makikipagtulungan sa MTRCB upang lalong pagtibayin ang mga proseso at pamamaraang ginagamit para maiwasan ang ganitong pangyayari.Makaaasa ang lahat na gagawin ng GMA ang nararapat upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manonood, lalo na ang mga batang may murang edad."
0 comments:
Post a Comment